Cauayan City, Isabela- Nagpapatuloy pa rin ang panawagan ng Rural Health Unit ng Cabagan, Isabela sa mga taong nakasalamuha ng tatlong nagpositibo sa COVID-19 na dumalo sa isang lamay sa Purok 1, Brgy. Catabayungan noong ika-23 ng Enero hanggang February 4, 2021.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dra. Marivic Cortez, Municipal Health Officer ng Cabagan, kanyang sinabi na nakadalo na sa burol si CV7607 bago pa malamang siya ay positibo sa COVID-19.
Nabatid na nagpositibo rin sa virus ang dalawa pang nakasalamuha na nagtungo rin sa lamay na binansagang sina CV7819 at CV7820.
Kaya naman hinihikayat ng RHU Cabagan ang lahat ng mga nagtungo sa nasabing burol na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan o sa brgy. Kapitan para sa contact tracing at maisailalim na rin sa swab test.
Maaari din tumawag o mag-text sa kanilang numerong 0917 531 1892 | 0915 933 7748 | 0917 144 0344.
Samantala, ang bayan ng Cabagan ay mayroon ng kaso ng Local Transmission.