Manila, Philippines – Bagamat bahagyang bumilis at lumakas si bagyong Isang at isa ng severe tropical storm, ito ay papalayo na North West palabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon kay Chris Perez, Senior Weather Specialist ng PAGASA si Isang ay kumikilos 220km 60 kilometers west ng Basco, Batanes na may bilis na 90 kilometers per hour at bugso ng hangin 113 km/h.
Bukas, ito ay kikilos 770 km west north west ng Laoag city, Ilocos Norte.
Ibinaba na sa Signal number 1 ang babala ng bagyo sa Batanes group of Islands, Babuyan Group of Islands at Ilocos Norte.
Dahil kahit papalayo na si Isang, hila pa rin nito ang hanging habagat na magpapaulan sa Metro Manila at western section ng Luzon at Visayas ay hanggang bukas.
Mamayang alas singko ng hapon ay malamang na mag-alis na ng storm signal.