Mga nakatira sa tent city sa Cebu dahil sa malakas na lindol noong September, inilikas dahil sa Bagyong Tino

Pansamantalang inilipat ng matutuluyan ang mga residenteng nakatira sa tent city sa Cebu.

Ang mga ito ang lubhang naapektuhan ng malakas na lindol na tumama noong September 30.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) Spokesperson Junie Castillo na inilipat sa mas matitibay na evacuation site ang mga inilikas upang matiyak ang kanilang kaligtasan sa gitna ng patuloy na epekto ng bagyo sa rehiyon.

Hindi aniya kakayanin ng mga tent ang malalakas na hangin at ulan na dala ng bagyo.

Samantala, hindi naman inilipat ang mga residenteng tumutuloy sa mga modular shelter unit sa Bayanihan Village dahil mas matatag anila ang mga istruktura dito.

Facebook Comments