Sa kabila ng patuloy na pagganda ng datos ng COVID-19 cases partikular na sa Metro Manila, tumaas naman ang bilang ng mga nako-confine na moderate severe to critical cases sa mga pribadong ospital.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Private Hospital Association of the Philippines, Inc. (PHAPi) President Dr. Jose Rene de Grano, mula sa dating 5% ngayon ay pumapalo na ito sa 15%
Aniya, bagama’t nakokontrol na ay hindi ito nangangahulugang maluwag na ang mga pribadong ospital dahil nananatiling mataas ang porsyento ng mga nako-confine lalo na ang mga moderate severe to critical cases.
Paliwanag nito, ang COVID kasi ay hindi tulad ng ibang sakit na makalipas ang ilang araw ay magaling na ang pasyente.
Ang mga nako-confine aniyang pasyenteng tinamaan ng COVID-19 ay nagtatagal ng hanggang isang buwan sa ospital kung kaya’t kapag hindi lumuwag ang pasilidad ay patuloy lamang nadadagdagan ang mga pasyente dahilan kaya’t nananatiling mataas ang porsyente ng mga naka-confine na moderate severe to critical cases sa mga pribadong ospital.