Mga nakukumpiskang campaign materials sa Oplan: Baklas ng COMELEC gagawing “eco bricks” – MMDA

Karamihan sa mga election campaign materials na binabaklas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay mula sa mga local candidate.

Sinabi ito ni MMDA OIC Chairman Atty. Romando Artes sa panayam ng RMN Manila kaugnay sa nagpapatuloy na Oplan: Baklas ng Commission on Elections.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Artes na hindi masasayang ang mga campaign materials na nakumpiska sa operasyon dahil idinadala ang mga ito sa kanilang brick making facility upang ihalo bilang sangkap ng eco brick.


Ang eco brick ay isang produkto mula sa solid waste na siyang ginagamit upang ilatag sa mga sirang sidewalks ng Metro Manila.

Facebook Comments