Mga nambu-bully sa fiance ni AiAi Delas Alas dahil sa kanilang relasyon, pinag-aaralang kasuhan ng aktres

Manila, Philippines – Aminado ang aktres na si AiAi Delas Alas na pinag-aaralan nitong magsampa ng reklamo dahil sa mga natatanggap na pambu-bully ng kanyang fiancĂ© na si Gerald Sibayan.

Naging usap-usapan kasi ang relasyon ng dalawa dahil 23-anyos lamang si Gerald habang 52 naman si AiAi.

Sa isang instagram post, ipinakita ni AiAi ang screenshots ng kanilang usapan ng kanyang abogado kung saan maaari naman daw magsampa ng reklamo si Gerald laban sa online bullies.


Maliban dito, pinayuhan din ng abogado si Gerald na i-report sa Department of Justice (DOJ) o Philippine National Police (PNP) ang umano’y pambu-bully sa kanya.

Matatandaan na si AiAi at Gerald ay nakatakdang magpakasal sa Nobyembre na gaganapin sa Amerika.

Facebook Comments