Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng Bagyong Karding.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mula sa 10 nasawi sa datos kahapon ay pumalo na ito ngayon sa 11.
Sa nasabing bilang amin ang mula sa Bulacan na ang sanhi ay pagkalunod, isa sa Zambales na dahil din sa pagkalunod at isa sa Bordeos, Quezon dahil naman sa landslide.
Samantala, beneberipika pa ng NDRRMC ang sanhi ng pagkamatay ng tatlong indibidwal kung ito ba ay dahil sa bagyo.
Ang mga ito ay mula sa Zambales, Antipolo, Rizal at Tanay, Rizal.
Sa talaan naman ng mga nawawala amin ang patuloy pang pinaghahanap sa mga oras na ito.
Isa mula sa Antipolo, Rizal at lima naman mula sa Mercedes, Camarines, Norte.
Facebook Comments