Sinimulan na ng Department of Health (DOH) ang pagdadala ng 300,000 dosage na bivalent vaccine sa Local Government Units (LGUs).
Ayon kay Health Sec. Teodoro Herbosa, ngayong araw ay matatanggap na ng ilang LGU at health care facilities ang naturang mga bakuna.
Aminado naman ang bagong kalihim na kulang ang 300,000 dosage ng naturang brand ng bakuna.
Dahil dito, plano ng DOH na bumili pa ng mas maraming dosage ng bivalent vaccine para maabot ang iba pang lugar sa Pilipinas.
Sa ngayon, ang healthcare workers muna ang planong bigyan ng naturang bakuna kasama ang mga vulnerable sectors.
Facebook Comments