Fake medical news, kailangang tutukan din ng bagong health secretary

Nagpaabot din ng mainit na pagbati kay bagong talagang Health Secretary Dr. Teodoro “Ted” Herbosa si Iloilo First District Representative at Former Health Secretary Janette Garin.

Ayon kay Garin, kailangan ngayon ng Department of Health o DOH ng manager na mangunguna na mabilis na paghahatid ng serbisyo sa mamamayang Pilipino.

Diin ni Garin, kasama rin sa kailangang bigyang pansin ni Herbosa ang mga kumakalat na medical fake news.


Giit ni Garin, dapat itong maitama o maituwid para maging matagumpay ang mabuting hangarin na palakasin at pangalagaan ang kalusugan ng taumbayan.

Umaasa si Garin na magiging matagumpay si Herbosa sa bagong tungkulin.

Facebook Comments