Marawi City – Binigyang ng go signal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-realign ng pondo mula sa Yolanda rehabilitation patungo sa pagtulong sa mga residente ng Marawi City na matinding naapektuhan ng bakbakan doon.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez sa Mindanao hour sa Malacañang, hinugot na nila ang ilang savings mula sa Yolanda fund para ipambili ng mga karagdagang sewing machines na magagamit bilang negosyo ng mga apektadong residente ng Marawi City.
Paliwanag ni Lopez, dahil sa karagdagang 50 sewing machine ay umabot na sa 140 sewing machines ang maibibigay ng Department of Trade and Industry para makatulong sa mga nangangailangan.
Ngayon aniya ay nagsasagawa na ang DTI ng mga trade fairs at mga tiangge sa Cagayan de Oro City at sa Iligan City para makatulong sa mga mula sa Marawi City.