Mga natitirang miyembro ng Maute sa Marawi, hindi magugulo ang gaganaping plebesito sa Marawi – ayon sa AFP

Marawi – Tiniyak ni AFP Chief of staff Gen. Benjamin Madrigal na sapat ang kanilang pwersa dito sa Marawi City para mapigilan ang anumang Panggulo ng mga terorista kaugnay sa gaganping plebesito.

Ayon kay Gen. Madrigal mayroong 1300 na mga sundalo ang itinalaga nila para tumulong sa pagbabantay para sa gagawing plebesito.

Wala rin aniya silang namomonitor na threat mula sa mga natitirang miyembro ng Maute ISIS group partikular ang grupo ni Abu Dar.


Pero patuloy pa rin silang nakaalerto sakaling magparamdam ang mga ito.

Kanina inikot mismo ni AFP chief of staff ang main battle area noong panahon ng kasagsagan ng gyera dito sa Marawi City

Pinuntahan nito ang St. Mary Cathedral Chuch Landbank building kung saan namatay ang ilang opisyal ng AFP.

Sa pagikot ni Madrigal, muli raw nitong naalala ang kabayanihan ng mga sundalong nagbuwis ng buhay sa nakalipas na giyera.

Facebook Comments