Press Freedom Caravan, inilunsad sa Bangkok, FOI tiniyak na pagagandahin

Manila, Philippines – Tiniyak ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na ipagpapatuloy nila ang pagsusulong ng transparency sa pamahalaan sa pamamagitan ng paglalabas ng mga credible at tamang impormasyon.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, palalakasin pa ng pamahalaan ang pagpapatupad ng Executive Order number 2 ni Pangulong Rodrigo Duterte o ang Freedom of Information sa Executive Department.

Ito ang tiniyak ni Andanar sa paglulunsad ng Press Freedom Caravan sa Bangkok Thailand kasama ang ilang mamamahayag.


Ipinaalala ni Andanar na maaaring maka-access ang publiko sa mga government transactions at information mula sa executive branch.

Sinabi din ni Andanar na itutuloy ng pamahalaan ang pagiikot sa buong bansa upang mapaganda ang kalagyan at maprotektahan ang mga mamamahayag.

Facebook Comments