Sa pagtatapos ng taong 2018, napagtanto kong madami akong nakilalang tao — may napadaan lang sa buhay mo para maging “pa-fall”, may mag-stay lang nang saglit para paasahin ka, o kaya’y mga taong hindi alam na may isang “ikaw” na nag-e-exist sa mundong ibabaw, o taong akala mo “The One” na pero “akala mo lang” pala ‘yon.
Sa loob ng labindalawang buwan kong adventure at paghahanap sa aking “The One”, at matapos kong makakilala ng iba’t-ibang uri ng tao, narito ang aking natutunaw pagdating sa pag-ibig:
We must learn how to love ourselves first.
Madalas natin itong naririnig sa mga payo sa atin ng ating mga kaibigan: “Mahalin mo muna ang sarili mo bago ka magmahal ng iba.” Pero madalas rin na hindi natin ito sineseryoso. Ngunit totoo nga, kung hindi sapat ang pagmamahal natin sa ating sarili, we act insecurely and accept less than what we deserve. Kung anong pagmamahal at respeto and binibigay natin sa sarili natin, ganoon din ang ang nagiging “basis” ng pagmamahal at respeto na ibibigay sa atin ng ating ka-partner.
Sabi nga nila, “our relationship with ourselves is the only relationship that will last in our entire lifetime” kaya’t ang pagmamahal natin sa sarili natin ang mas importante kaysa sa pagmamahal natin sa iba.
People fall out of love.
Kung ang pagiging in-love ay parang pakikinig sa pinakapaborito mong kanta, ang pagkawala naman ng pagmamahal o “fall out of love” ay tulad ng pakikinig ng kanta sa isang gasgas na cd sa sabog na speaker.
Hindi isang iresponsableng aksyon o pagiging emotionally unstable ang ma-fall out of love. Maaaring sadyang nagbago na lang ang inyong relasyon, or kayo mismo ng kapartner mo ang nagbago at napapansin niyo na ito. Normal ang makaramdam ng pagbabago sa nararamdaman, normal din na may masaktan sa ganitong sitwasyon kaya’t mas maiging pag-usapan ang mga bagay-bagay nang maayos at tandaan ang naunang tip.
Love isn’t enough.
Hindi man kapani-paniwala, pero truth is, love isn’t all you need in order to have a happy relationship. Kahit gaano mo kamahal ang isang tao, kung hindi sila para sa’yo, hindi magwo-work ang relasyon niyo.
Kung hindi ka tinatrato nang tama, o meron syang self-destructive habits, hindi kayo mag-go-grow sa relasyon. Minsan iniisip natin na kapag mahal mo ang isang tao, kahit anong issue ang ibato sa relasyon niyo ay kayang lagpasan ng pagmamahal niyo sa isa’t-isa, pero sadyang may mga problema talaga na hindi masosolusyonan, no matter how much love you throw at them.
Take it slow.
Love at first sight? O nakaramdam ka ng deep feeling sa isang tao after your first date or meet-up? Well, wag ka’ng advanced mag-isip. It is always better to take it slow. Take time para makilala niyo nang mabuti ang isa’t-isa.
Sometimes, you can have a deep connection with someone, you both have great chemistry and you feel that it’s just meant to be, but if the timing isn’t right and if you rush things, it’s not meant to be or things might just not work out later on. So take a deep breath, go on several dates, learn each other’s flaws, and see if you can go on. Tapos, push mo na ‘yan.
It is okay to stay single.
Madalas kapag nakakikita tayo ng couple na naglalambingan , or nakakakita ng “relationship goals” sa facebook, nakararamdan tayo ng inggit o pagseselos. O minsan kapag ikaw nalang ang single sa barkada, nakararamdam ka ng “pressure” para maghanap ng jojowain mo. But dear, it is okay to stay single.
Enjoy your freedom, enjoy your lone time. Being along is better than being with someone who makes you feel alone. If you feel that you’re still not in the “mood” for relationship or not yet ready pero napipilitan ka because of peer pressure, take time to re-think. Kaya mong mag-grow, maging masaya at maramdaman ang pagmamahal kahit single ka. Trust me, hindi isang necessity ang pagkakaroon ng karelasyon, all you need is Tip #1.
Article written by Zacharie Kate Esmeria