Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan ang mga negosyante at tindera sa Mangaldan Public Market na magpa-flu vaccine sa mga isinasagawang libreng flu vaccination sa kanilang bayan.
Makatutulong umano ang pagpapabakuna sa mga tulad nilang arawang kumakayod nang sa gayon ay magkaroon ng mas malusog, maayos at makaiwas sa anomang sakit.
Para naman sa mga senior citizen o di kaya ay bedridden ay maaaring makipag-ugnayan sa midwife o barangay health worker (BHW) sa kanilang barangay upang mapuntahan na lamang sa kanilang mga tahanan at mabakunahan ng flu vaccine.
Samantala, muling magsasagawa ng libreng flu vaccination sa naturang bayan sa mismong public market nito sa January 20, 2025, mula alas nuebe ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









