Positibo ang ilang negosyante na babalik na ang sigla ng sektor ng pagnenegosyo sa bansa sa pagpasok ng taong 2021.
Batay sa pinakahuling survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), pumalo sa 37.4 porsyento ang business confidence index ng ilang negosyante para sa unang buwan ng susunod na taon habang 57.7 percent naman para sa buong taon.
Paliwanag ni BSP Department of Economic Statistics Director Redentor Paolo Alegre, bunsod ito ng unti-unting pagbubukas ng ilang establisyimento, pag-adapt sa new normal living at ang paggulong ng bakuna kontra COVID-19.
Facebook Comments