Manila, Philippines – Pinawi ng pamahalaan ang pangamba ng ilang sector na bumabagal ang galaw ng ekonomiya ng bansa partikular ang pagpasok ng mga bagong investments mula sa ibang bansa sa mahigit isang taon lamang ng Duterte Administration.
Matatandaan kasi na lumabas sa mga balita na bumaba ng 90% ang foreign direct investment ng bansa sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion III sa briefing sa Malacanang, tiwala parin naman ang business community kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng mga balitang bumaba ang pagpasok ng mga bagong negosyo sa bansa.
Ibinida din ni Concepcion na maganda parin ang Philippine Stocks Exchange na nangangahulugan na maganda ang takbo ng negosyo sa pilipinas at gumaganda pa ito.
Sinbi din nito na maraming proyekto ngayon ang nakalinya tulad nalang ng subway system na magpapagaan ng trapik sa Metro Manila.
Binigyang diin din ni Concepcion dapat at magtiwala lang sa pamumuno ni Pangulong Duterte sa paglutas sa mga problema sa bansa.
Mga negosyante sa bansa, tiwala parin kay Pangulong Rodrigo Duterte
Facebook Comments