Mga Negosyante, Tinawag na ‘Duwag’ ni OPAPP Sec. Galvez!

*Cauayan City, Isabela-* Inihalimbawa ni Presidential Adviser on Peace Process Sec. Carlito Galvez Jr. na isa sa mga taong duwag ay mga negosyante.

Ito ang kanyang inihayag kahapon sa naganap na Press Conference sa Camp Melchor F. Dela Cruz sa Gamu, Isabela kasabay ng pagdiriwang sa National Peace Consciousness Month.

Aniya, kung may kaguluhan sa isang bansa ay walang sinuman na foreign investor ang maglalakas loob na mamuhunan dahil sa kaguluhan at presensya ng mga rebeldeng NPA sa bansa.


Bagama’t may mga ilang NPA ang nagbalik sa gobyerno ay hirap pa rin aniya ang pamahalaan sa tuluyang pagpapasuko sa mga komunistang grupo.

Ayon kay Sec. Galvez, dalawang dynamics ang dahilan kung bakit nagpapatuloy sa pakikipaglaban ang mga rebelde sa gobyerno dahil sa kanilang ideolohiya at isyu sa social service.

Sa ngayon ay nabigyan na ng livelihood program, pabahay at ektaryang lupain ang mga nagbalik loob sa gobyerno na mga NPA.

Hinihikayat naman ni Sec. Galvez ang ibang ahensya ng gobyerno na ipagpatuloy ang pagbibigay ng tamang serbisyo sa publiko upang walang rason na mag-aklas sa pamahalaan ang isang indibidwal.

Facebook Comments