Mga negosyo na labis na naapektuhan ng pandemya, makatwirang paglaanan ng stimulus package

95

Tiniyak ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang kanyang pagsuporta sa isinusulong ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na stimulus package para sa mga negosyo na labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Sa katunayan ayon kay Zubiri, kasama sa mga pangako nya noong kampanya ang pagpasa ng Bayanihan 3 package na maglalaan ng ayuda o pondo para sa mga sektor na matinding naapektuhan ng pandemya.

Pangunahing tinukoy ni Zubiri, na kailangang matulungan ang sektor ng turismo at mga maliliit na negosyo o micro, small and medium enterprises (MSMEs).


Diin ni Zubiri, mahalaga ang ikakasang stimulus package ng susunod na administrasyon para sa pagbangon ng ating ekonomya at para maisulong ang pagiging Asian Tiger ng ating bansa sa rehiyon ng Asya.

Facebook Comments