Manila, Philippines – Ibinulgar ng tiyahin ni Horacio Tomas Castillo III na tinatago ng mga opisyal ng Aegis Juris Fraternity ang mga neophyte o bagong miyembro ng naturang kapatiran.
Ayon kay Maricris Garcia tiyahin ni Castillo tinatago di umano sa Navarra Street Samapalok ang mga bagong kasapi na biktima ng hazing pagkatapos ay bini-briefing ang kanilang mga sasabihin sa mga otoridad na nagsasagawa ng imbestigasyon maging sa Media na nagtatanong sa kanila.
Paliwanag ni Garcia mayroon na umano silang mga picture sa mga opisyal gaya nina Axel Hipe na Master Initiator at Alvin Balag na presidente naman ng Aegis Juris Fraternity na itinatag noong December 16, 1979.
Giit pa ng tiyahin ni Castillo na mayroon umanong nagtext sa kanila na sangkot sina Balag at Hipe sa naturang hazing.
Umaasa ang pamilya ni Castillo na mabigyan ng hustisya at hindi magkakaroon ng white wash ang imbestigasyon dahil maimpluwensiya umano ang ilang mga opisyal ng naturang fraternity.