Ethics complaint laban kay Senator Lacson, sisimulan ng pag-aralan ng senate ethics committee

Manila, Philippines – Sinimulan ng basahin at pag-aralan ni Committee on Ethics Chairman Senator Tito Sotto III ang ethics complaint na inihain ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon laban kay Senator Panfilo Ping Lacson.

Sabi ni Sotto, dadaan sa pangkaraniwang proseso ang reklamo kay Lacson.

Ayon kay Sotto, ipapamahagi nya ang kopya ng reklamo sa legal counsel at mga senador na miyembro ng komite bago siya magpatawag ng meeting.


Kapag nakita nilang may sapat itong form and substance ay bibigyan nila ng kopya si Senator Lacson para sumagot.

Facebook Comments