Mga NPA, Idineklarang ‘Persona Non-Grata’ ng Ilang mga Barangay at Bayan sa Isabela!

*Cauayan City, Isabela*- Nagdeklara na bilang Persona Non-Grata ang mga New People’s Army (NPA) ang ilang mga barangay sa Lalawigan ng Isabela gaya ng Sta Isabel Norte at Sta Isabel Sur sa Lungsod ng Ilagan, Brgy. Benguet at Brgy. San Miguel sa bayan ng Echague na layong wakasan ang karahasan na nagpapahirap sa mga residente.

Naghain na rin ng resolusyon ang konseho ng Lungsod ng Cauayan upang ideklarang Persona Non-Grata ang mga NPA o hindi pagtanggap sa mga ito sa Lungsod.

Kaugnay nito, nakasalang na sa ikalawang pagbasa sa konseho ng Cauayan ang panukalang ideklara ang mga ito na Persona Non-Grata.


Samantala, plano na rin ng Bayan ng San Mariano sa Isabela na ideklara ang mga kasapi ng CPP-NPA na hindi sila katanggap-tanggap sa kanilang lugar dahil na rin sa mga kaguluhang nangyayari dulot ng kanilang mga presensya at reklamo ng kanilang mga kababayan.

Magugunita na ang Lalawigan ng Isabela ang isa sa mga pangunahing pinagpupugaran ng mga komunistang NPA na naghahasik ng takot sa mga mamamayan nito.

Facebook Comments