Mga OFW na stranded sa mga quarantine facilities sa Metro Manila, mahigit 6,000 na

Umabot na sa 6,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang stranded sa iba’t ibang quarantine facilities sa Metro Manila.

Kasunod ito ng paghinto ng Philippine Red Cross (PRC) sa pagsasagawa ng COVID-19 tests sa mga umuuwing Pilipino dahil sa P930 million pagkakautang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III, mas matagal na kasi ngayon ang pagpoproseso at paglalabas ng resulta ng COVID-19 tests.


Aniya, kung noon ay isa hanggang dalawang araw lamang ay nailalabas na ang resulta, simula noong October 15 ay umaabot ito ng isang linggo.

Facebook Comments