Halos bumalik na sa pre-pandemic level ang bilang ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na uuwi sa bansa para magbakasyon ngayong Christmas season.
Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Cacdac, ang pagtaas ng bilang ng umuuwing OFWs ay dahil sa pagbangon ng ekonomiya ng mga bansang kanilang pinanggalingan.
Nauna nang inilagay ng pamahalaan ang 15 na bansa sa red list country dahil sa banta ng Omicron variant ng COVID-19 na na-detect sa South Africa.
Ibig sabihin, hindi papayagang makapasok sa Pilipinas ang mga umuuwi na Pilipino mula sa 15 bansang ito hanggang Disyembre 15.
Kabilang dito ang France, Austria, Czech Republic, Hungary, The Netherlands, Switzerland, Belgium, Italy, South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, at Mozambique.