Bilang ng mga kabataang nabakunahan kontra COVID-19, umabot na sa 6.5 milyon

59

Umabot na sa 6.5 milyong kabataan ang nabakunahan na kontra COVID-19.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., kinabibilangan ito ng mga kabataang edad 12 hanggang 17.

Natutuwa naman ang pamahalaan na posibleng maging dahilan na ito na pagbubukas ng face-to-face classes sa mga paaralan.


Sinimulan ang pagbabakuna sa kabataan noong Oktubre.

Sa ngayon, nasa 39.7 milyon na ang fully vaccinated individuals sa bansa kung saan 57.64 ang nakatanggap ng unang dose.

Facebook Comments