Mga opisina sa Senado, naghahanda na sa kanilang mga gagampanang tungkulin sa impeachment trial ni VP Sara

Tiniyak ni Senate Secretary Renato Bantug na handa na siya sa magiging responsibilidad para sa paglilitis kay Vice President Sara Duterte.

Batid ni Bantug na mabigat ang kanyang magiging tungkulin bilang clerk of court ng impeachment court.

Gayunman, mayroon na siyang kaalaman at karanasan pagdating sa impeachment trial kung saan nagkaroon na siya ng karanasan noon sa impeachment ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Malaking tulong aniya ito para sa gagampanan niyang tungkulin sa impeachment trial ni VP Duterte.

Samantala, nagsimula na ring magsumite ang mga opisina sa Senado ng kani-kanilang mga budget, supplies, equipment at iba pang items na kakailanganin sa paglilitis.

Nagpaalala naman si Bantug sa mga Senate office na ang tanging hihingiin nila ay dapat specific at ekslusibong gagamitin sa impeachment.

Facebook Comments