Mga opisyal, nagbabala kaugnay sa posibleng second wave ng COVID-19 sa Melbourne, Australia

62

Nagbabala ang mga opisyal kaugnay sa posibleng second wave ng COVID-19 sa Melbourne, Australia.

Ayon sa ulat, pinaiiwas ang mga mamamayan na magpunta o lumabas sa lansangan ng ikalawa sa pinakamalaking lungsod ng nasabing bansa.


Nabatid na nakapagtala ang Victoria State ng mahigit 110 kaso noong mga nakaraang linggo kung saan karamihan ay mula sa Melbourne.

Sa ngayon ay nakapagtala na ng halos 7,500 na kaso ng COVID-19 ang Australia habang 102 naman ang naitalang namatay bunsod ng nasabing sakit

Facebook Comments