Mga opisyal ng gobyerno at gabinete, pinagbawalang mangampanya ni Pangulong Duterte

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal ng gobyerno at kanyang mga gabinete na huwag makisali sa pagkampanya sa mga sinusuportahang kandidato.

Ito ay para walang masabi ang publiko at hindi mapag-isipan na ginagamit nila ang pera ng bayan para isulong ng kanilang sinusuortahang kandidato.

Ayon sa pangulo, naiintindihan niya kung may gustong suportahan na kandidato ang kaniyang mga opisyal subalit mas mabuti na huwag na silang makisawsaw pa.


Tanging si Department of Energy (DOE) Sec. Alfonso Cusi lamang ang kanyang papayagan na mangampanya dahil ito ang presidente ng political party na PDP-Laban.

Matatandaang iniutos na ito ng Pangulo noong nagdaang eleksyon sa bansa at inuulit niya aniya ngayon ang kanyang direktiba upang hindi makompromiso ang pagiging patas ng gobyerno pagdating sa usapin kung sino ang dapat na iluklok sa pwesto at maging susunod na lider ng bansa.

Facebook Comments