Inihayag ng National Capital Region Police Office na hindi na kailangan pang magdagdag pa ng seguridad sa mga opisyal ng gobyerno.
Ito’y matapos ilabas ng Armed Forces of the Philippines ang umano’y ‘hit list’ ng New People’s Army kung saan, target umano ang mga matataas na opisyal partikular na ang mga miyembro ng gabinete.
Ayon kay NCRPO Director P/BGen. Debold Sinas, sapat naman ang mga security personnel ng mga opisyal ng gobyerno lalo pa’t karamihan sa mga miyebro ng gabinete na nasa ‘hit list’ ay pawang mga dating heneral ng AFP.
Matatandaan na kabilang sa inilabas na ‘hit list’ ay sina DILG Sec. Eduardo Año at Defense Sec. Delfin Lorenzana gayundin ang iba pang mga kasalukuyang opisyal ng AFP.
Gayunman, tiniyak ni Sinas na handa pa rin silang bigyan ng karagdagang seguridad ang mga opisyal ng gobyerno kung hihilingin ito sa kanila ng mga opisyal ng pamahalaan.