Manila, Philippines – Nagpaalala ang Presidential Anti-Crime Corruption at Commission on Elections sa mga opisyal ng gobyerno na huwag makikisawsaw sa pulitika.
Ssinabi nina PACC Chairman Dante Jimenez at COMELEC Spokesman James Jimenez na mahaharap sa kaso ang mga opisyal ng gobyerno na lalahok sa partisan political activities.
Ayon kay James Jimenez, sa ilalim ng Omnibus Election Code, maari namang magpahayag ng suporta sa kandidato ang isang opisyal ng gobyerno pero ipinagbabawal ang lantarang pag eendorso nito sa publiko.
Bukod dito, hindi rin pinahihintulutan ang paggamit ng public funds,equipment, facilities at iba pang resources ng opisina ng gobyerno para sa election campaign.
Nilinaw naman ng PACC na exempted sa nasabing rules ang mga political appointees, cabinet members at elected public officials.