Naka-half mast na ang watawat ng Pilipinas sa mga opisina ng gobyerno bilang pagluluksa sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III.
Kasabay nito, nagpa-abot ng pakikiramay ang Malacañang, mga opisyal ng gobyerno, mga dating gabinete ng Pangulong Aquino at kaalyado nito sa Liberal Party.
Sa kanyang official Twitter account, binanggit ni Vice President Leni Robredo na nakadudurog ng puso ang balitang wala na si PNoy na itinuturing niyang mabuting kaibigan at tapat na pangulo ng Pilipinas.
Sa interview naman ng RMN Manila, inalala ni dating Senator Antonio Trillanes IV ang mabubuting ginawa ng dating Pangulong Aquino sa bansa.
Sinabi naman ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na kahit nasaan mang panig ng politika, kapag may dating pangulong pumanaw, ang buong bansa ay magluluksa.
Kapwa rin nagpahayag ng pagkikiramay sina Davao City Mayor Sara Duterte, Manila Mayor Isko Moreno at ilan pang lokal na pamahalaan.
Habang naglagay na ng yellow ribbon sa tahanan ng pamilya Aquino sa Times Street sa Quezon City at isinara na ang lugar sa trapiko.