Mga opisyal ng Philippine Embassy sa Beirut, nag-iikot sa penal facilities sa Lebanon kaugnay ng mga nakakulong na OFWs

Iniikot ng Philippine Embassy sa Lebanon ang mga piitan doon kung saan may mga nakakulong na Overseas Filipino Workers (OFWs).

Layon nito na mabigyan ng legal assistance ang mga nakakulong na Pinoy doon at mapaaga ang kanilang paglaya.

Sa ngayon, nabawasan na ng 70% ang mga nakakulong na Pinoy sa Lebanon at nakauwi na sila ng Pilipinas sa pamamagitan ng repatriation flight ng embahada.


Kamakalawa, 14 distressed OFWs mula sa nasabing bansa ang dumating sa Pilipinas kabilang na ang mga nakulong doon dahil sa iba’t ibang kaso.

Kabilang sa mga umuwi ang mga minaltrato ng employers o hindi kaya ay tumakas sa kanilang amo.

Facebook Comments