Mga Opisyal ng San Mateo, Isabela, Pinulong ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos!

*San Mateo, Isabela*- Naging abala at mahigpit na nakabantay ngayong araw ang PNP San Mateo kaugnay sa pagbisita ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos upang pulungin ang mga opisyal sa bayan ng San Mateo, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Inspector Robert Alario, ang Deputy Chief of Police ng PNP San Mateo, nagkaroon ng pagpupulong kaninang umaga ang mga opisyal ng nasabing bayan sa pangunguna ng kanilang panauhin na si Governor Imee Marcos.

Samantala, inihayag rin ni Deputy Chief Alario na nasa maayos na kalagayan pa rin ang kanilang nasasakupan subalit patuloy pa rin umano ang kanilang isinasagawang kampanya kontra iligal na droga dahil maaari pa umanong may mga natitirang gumagamit at nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot.


Hinimok pa ni Deputy Chief Alario na tumigil na lamang sa paggamit at pagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamut upang hindi na umano mauwi sa anumang insidente na maaaring maidulot ng mga ganitong uri ng gawain.

Facebook Comments