Traysikel Drayber sa Ilagan City, Isabela, Natimbog sa Buy Bust!

*Ilagan City, Isabela- *Arestado ang isang tsuper matapos matiklo sa ikinasang Drug Buy Bust operation ng PNP Ilagan bandang alas diyes y medya kaninang umaga sa Brgy. Bliss Village, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Benjie Clotario, kwarentay uno anyos, tricycle driver at residente ng Brgy. Alibagu sa nasabing Lungsod.

Batay sa natanggap na kaalaman ng RMN Cauayan, dinakip ng mga kapulisan si Clotario matapos bentahan ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na bumili sa halagang isang libong piso.


Narekober mula sa suspek ang isang libong pisong marked money at hawak na ng PNP Ilagan City si Clotario na mahaharap sa kanyang kasong Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments