Mga opisyal ng Surigao Chamber of Commerce and Industry nagpasalamat sa pag-release ng mga cargoes sa loob ng PPA

Mga opisyal ng Surigao Chamber of Commerce and Industry nagpasalamat sa pag-release ng mga cargoes sa loob ng PPA. Nagpasalamat ang mga opisyal ng Surigao Chamber of Commerce and Industry(SCCI) sa pag-release ng mga cargoes na 21 araw nang natengga sa loob ng Phil Ports Authority epekto ng welga ng Surigao Dockworkers Union laban sa Prudential Customs Brokerage Services Inc. Ayon kay SCCI Pres. Concepcion Pacqueo nagpasalamat sila sa mga Dockworkers na pumayag na mailabas ang mga kargamento. Tinukoy na lumapit sa kanila ang mga lokal na negosyante dahil malaking perwisyo na ang nangyayaring welga lalo na sa operasyon sa kanilang negosyo. Maraming mga construction materials, animal feeds, mining materials at iba pa ang iilang araw nang hindi mailabas. Bagama’t nailabas na ang mga kargamento, may iilang negosyante ang nagreklamo pa rin nang makuha ang mga cargoes dahil diumano’y may mga depekto na. Samantala, binigyangdiin ni Jacinto Tanduyan, ang Secretary General ng Kilusang Mayo Uno Caraga na ang pinalabas nilang mga cargoes simula Agosto 24 noong hindi pa nagsimula ang kanilang welga, ang mga bagong kargamento ang kailangang I-divert pa rin sa ibang port gaya sa Lipata at Nasipit dahil magpapatuloy ang kanilang welga. Nakatakdang dumating ngayong araw ang mga opisyal ng Dept. of Labor and Employment kasama ang may-ari ng PCBSI nang muling isagawa ang negosasyon sa mga demands ng Union.

Facebook Comments