Nagreklamo ang mga opisyal ng Surigao Chamber of Commerce and Industry laban sa pamunuan ng Cokaliong Shipping Lines dahil sa alegasyong iilang kargamento ng mga lokal na mga negosyante ang hindi pinasakay sa naturang barko. Humarap sa Sangguniang Panlungsod ang Presidente ng Chamber of Commerce na si Concepcion Pacqueo kasama ang negosyanteng si Jake Miranda, isinalaysay nito ang reklamo ng iilang shipper dito sa Surigao sa naging alituntunin ng Cokaliong Shipping Lines. Diumano’y inilagay sa blacklist ang iilang kompanya lalo na ang tumangkilik sa kakompetensiyang Medallion Shipping Lines kaya ang mga kargamento mula Cebu City patungong Surigao City ang hindi na tinatanggap. Naging isyu pa na diumano’y ang management ng Cokaliong Shipping Lines ang nagpaabot ng mensahe na ang mga kompanya sa Surigao na doon sinasakay ang cargo nila sa kalabang shipping lines ang hindi na tatanggapin ang mga kargamento lalo na kung masira o walang biyahe ang Medallion Shipping Lines. Ayon naman kay Vice Mayor Alfonso Casurra kailangang imbestigahan at kunan ng statement ang Cokaliong sa susunod na Committee Investigation na isasagawa ng Sangguniang Panlungsod nang isa-isa na matalakay at masagot ang isyu. Kung matatandaan sa mahabang panahon, may monopolyo ang Cokaliong Shipping sa rutang Surigao-Cebu at vice versa ngunit noong Abril ngayong taon nagsimula ang operasyon ng kakompetensiyang Medallion Shipping Lines.
Mga opisyal ng Surigao Chamber of Commerce and Industry nagreklamo laban sa pamunuan ng Cokaliong Shipping Lines
Facebook Comments