MGA OPISYAL NG SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY HAHARAP SA COMMITTEE INVESTIGATION NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD NG SURIGAO CITY

MGA OPISYAL NG SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY HAHARAP SA COMMITTEE INVESTIGATION NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD NG SURIGAO CITY
Haharap sa Committee Investigation sa Sangguniang Panlungsod ng Surigao City ang iilang opisyal ng Surigao State College of Technology (SSCT) para sa pagsagot sa iilang isyu tulad ng pagpapabayad ng P1,500 sa mga estudyante na may Incomplete Grade at pagbabanta na ma-expel ang isang estudyante. Ito ang iginiit ni City Councilor Fernando Almeda III, ang Chairman sa Committee on Education sa konseho ng lunsod.
Tinukoy nito, natanggap niya ang pormal na reklamo ng isang Irenia Paronia, ina ng estudyanteng si Eunice April Paronia na nag-aaral ng kursong Drafting sa SSCT na diumano’y isa at kabilang sa 11 mag-aaral na pinapabayad ng kanilang Professor ng P1,500 bawat isa para pambili ng CPU ng computer unit kapalit para magkaroon ng grado. Binigyangdiin ni Councilor Almeda, marami na siyang narinig na mga anomaliyang nangyayari sa naturang paaralan at ito na ang pagkakataon na kailangang imbestigahan lalo na’t may pormal na nagpaabot ng reklamo sa Sangguniang Panlungsod. Sa susunod na linggo nakatakdang ipatawag ang mga nagreklamong mga estudyante at kasunod nito ang mga opisyal ng SSCT sa pangunguna ng Presidente na si Gregorio Gamboa Jr.
Ayon naman sa pamunuan ng SSCT, inihayag ni Gamboa bukas sila sa pagharap sa Committee Investigation ng Sangguniang Panlungsod at doon isa-isa nilang sasagutin ang isyu. Dagdag pa nito, noong sumulat sa kanyang tanggapan si Mrs. Paronia, bumuo kaagad sila ng Investigating Team, sa ngayon hinihintay pa niya ang resulta sa pagsisiyasat. Dagdag pa nito, may aksiyon na isinagawa ang kanilang tanggapan ngunit hindi pa natatapos ang imbestigasyon.

Facebook Comments