Inihayag ng pamunuan ng Parañaque City Government na hindi parurusahan ang mga organizer ng community pantry sa lungsod na walang koordinasyon sa barangay.
Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, sa halip na patawan ng parusa ay tutulong ang mga barangay na mapanatili ang minimum health protocols sa mga bagong community pantry upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Paliwanag ng alkalde na ang food drive ay maituturing na bayanihan kaya dapat sinusuportahan ang taumbayan.
Hinihikayat din ni Olivarez ang mga residente na magtayo ng kanilang mga community pantry.
Dagdag pa ng alkalde, malaking bagay para sa kanila ang ganitong paraan ng bayanihan kaya’t marapat umano na ipagpasalamat ang naturang mga hakbangin.
Facebook Comments