Mga ospital na dawit sa korapsyon sa PhilHealth, isa-subpoena ng Presidential Anti-Corruption Commission

76

Isa-subpoena ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang mga ospital na dawit sa korapsyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).


Ito ang sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica matapos silang makakita ng ebedensya na mayroon ngang mga ospital sa bansa ang nabayaran ng PhilHealth.

Ayon kay Belgica, ire-rekomenda nila sa PhilHealth na suspendihin ang pagbabayad sa mga ospital na ito, dahil base sa kanilang opinyon dapat munang i-hold at i-validate ang payment ng mga ito.

Hinahanap na rin nila ang mga ospital na nakatanggap ng bayad mula sa unvalidated PhilHealth claims para magawan agad ito ng aksyon.

Facebook Comments