Nasa Code White Alert na ang mga ospital sa bansa na tinamaan ng Bagyong Aghon.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Health Assistant Sec. Albert Domingo na simula pa noong May 24 ay umiiral na ang Code White.
Sa ilalim ng alerto, nakahanda ang sistema ng mga ospital para sa anumang medical crisis sa gitna ng kalamidad.
Tiniyak din ni Domingo na tuloy-tuloy ang serbisyo ng mga pagamutan kahit na bumabagyo.
Sa kasalukuyan, libu-libong pamilya na ang apektado ng Bagyong Aghon sa malaking bahagi ng Luzon at ilang lugar sa Visayas.
Facebook Comments