Mga ospital sa Leyte, inilagay na sa Blue Code Alert ng DOH

Manila, Philippines – Nakataas na sa Code Blue Alert ang mga Ospital sa Leyte bunsod ng naramdamang magnitude 6.5 na lindol doon kahapon.

Ibig sabihin, mananatiling operational ang lahat ng mga ospital, at nakaalerto ang lahat ng mga doktor, nurse at iba pang mga health personnel sa lugar 24/7.

Ayon kay Health Assistant Secretary, Eric Tayag, bagamat hindi nila ikinatutuwa na may mga nasawi at nasugatan sa nangyaring lindol, inaasahan nila na maaari pa itong madagdagan dahil nag papatuloy pa ang isinasagawang assessment doon ng mga kinauukulan.


Ayon kay Tayag, kaisa ang Phil Red Cross, nakapagtayo na sila doon ng mga help desk at nakatakda rin silang magpadala ng mga karagdagang personnel na manggagaling sa Cebu.

Sa kasalukayan ay patuloy ang ginagawa nilang pakikipagugnayan sa mga LGUs sa lugar, at minomonitor nila ang mga posibleng power interruption sa mga ospital.

Facebook Comments