Mga otoridad regular na nagbibigay ng update kay Pangulong Duterte ukol sa kaso ng brutal na pagpatay sa isang dalagita sa Lapu-Lapu City, Cebu

Inihayag ni dating Special Assistant to the President Secretary Bong Go na mahigpit na tinututukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaso ng brutal na pagpatay kay Christine Silawan sa Lapu-Lapu City Cebu.

Sinabi ni Go, nakikidalamhati si Pangulong Duterte sa mga naiwang mahal sa buhay ni Christine at regular aniyang nakatatanggap ang Pangulo ng update mula sa mga otoridad ukol sa kaso.

Mariin narin namang kinondena ni dating Special Assistant to the President Secretary Bong Go ang karumaldumal na pagpatay sa isang dalagitang si Christine.


Ayon kay Go, dapat ay gawin ng mga otoridad ang lahat ng kanilang magagawa upang mahuli at mapanagot sa batas ang nasa likod ng brutal na pagpatay sa dalagita.

Inihayag din nito ang kanyang suporta sa pagbuhay muli sa Death Penalty na isa aniyang mabisang pangontra laban sa mga karumaldumal na krimen.

Sinaib nito na 100% niyang sinusuportahan ang parusang bitay sa mga criminal na gumawa ng mga heinous crimes lalo na kung sangkot sa iligal na droga at kabilang din aniya dito ang rape at pagpatay ng mga taong lulong sa iligal na droga.

Facebook Comments