Mga pabaya ng magulang, dapat lamang maparusahan – Malacañang

Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na dapat lamang maparusahan ang mga magulang ng mga batang masasangkot sa anomang krimen.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dapat pinababayaa ng mga magulang ang kanilang mga anak at gabayan upang hindi masangkot sa krimen o di naman kaya ay magamit ng mga sindikato ang mga ito.

Sakali aniyang masangkot ang mga batang pinabayaan ng mga magulang sa anomang klase ng krimen ay dapat makulong o di naman kaya ay matanggalan ng karapatan sa kanyang anak.


Sinabi di ni Panelo na ang kagustuhan ni Pangulong Duterte na mapababa ang criminal liability age ng mga menor de edad ay para lamang maprotektahan ang mga ito pero hindi naman masabi ni Panelo kung ano ang edad na pabor ang pangulo na maaaring magkaroon ng criminal liability ang mga bata.

Facebook Comments