Mga pagbabago sa BARMM elections sa susunod na taon, tatalakayin ngayong araw ng Comelec en Banc

Tuloy ang kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Mayo ng susunod na taon.

Ito ang pagtitiyak ng Commission on Elections (Comelec) sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema na hindi bahagi ng rehiyon ang probinsya ng Sulu.

Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, ngayong araw tatalakayin ng en banc ang mga pagbabago sa BARMM elections pero hindi na ito ipagpapaliban pa.


Aminado naman si Garcia na nasurpresa siya sa ruling ng Supreme Court dahil malaking problema ito sa parte ng Comelec.

Sa ngayon kasi ang tuloy-tuloy na ang kanilang preparasyon at pagpaplano kung saan bahagi ito ang lalawigan ng Sulu.

Siniguro naman ng Comelec chief na susunod sila sa ruling at magsasagawa ng mga kinakailangang adjustments.

Nitong Lunes nang pagtibayin ng SC ang Bangsamoro Organic Law kung saan idineklarang hindi kasama ang Sulu matapos nilang hindi tanggapin ang ratipikasyon ng batas.

Facebook Comments