Naniniwala ang Metro Manila Development Authority na matutuldukan na ang problema ng mga pagbaha kung matutukan lamang ang problema sa flood control sa Kalakhang Maynila.
Sa ginanap na forum sa Tapatan sa Maynila sinabi ni MMDA Head Flood Control and Sewerage Management Engr. Baltazar Melgar ang flood control ang dating nasa DPWH noong 2002 pero inilipat ang function sa MMDA upang matutukan na ng husto ang mga nangyayaring pagbaha sa Metro Manila.
Ayon kay Engr. Baltazar 62 pumping station na ang nag oopearte sa Metro Manila upang mapabilis na humuhupa ang mga pagbaha kapag nagamit ang mga pumping station sa Metro Manila.
Paliwanag ni Baltazar na ang nagpabaha sa Espana ay galing sa QC kung saan ginagawan ng paraan ng MMDA upang tuluyang mawala na ang mga pagbaha sa Espana Sampalok Manila.
Dagdag pa ni Baltazar na mahalaga na matutukan ng husto ng gobyerno ang 273 open water ways gaya ng mga estero na ginagawaan ng paraan upang malinis ang mga estero sa Lungsod ng Maynila.
Giit ni Baltazar malaking papel din ang gagampanan ng publiko upang mawala na ang mga pagbaha na dapat maging disiplinado sa pagtatapon ng mga basura upang hindi bumara sa mga estero sa Metro Manila.