Likas na sa ating mga pinoy ang pagiging malikhain at madiskarte,kaya ngayong buwan na ng Disyembre uso na naman ang pagnenegosyo ng mga pagkain na patok sa masa.
Nais mo bang kumita ngayong pasko pero hindi mo alam kung anu-ano ba ang pwede at pasok na ibenta ngayong holiday season? Narito ang ilan sa mga patok na pagkakitaan ngayong holiday season:
- Fruit Cake Bar
Isa sa mga mabentang pagkain ngayong pasko ay ang cake kaya naman gawin mo ng mas level-up ang iyong version ng cake. Talagang mabenta ngayong Holiday season ang Fruit Cake.
Sa halagang 1,500 pesos maaari ka ng makapagsimula sa pagbebenta nito. Sa paggawa nito kakailangan mo lamang ng iba’t ibang prutas, mani at pampalasa, saktong-sakto ito dahil paborito ito ng mga bata at pwedeng pwede mo itong gawing negosyo ngayong pasko.
- Pizza Roll
Kahit hindi pasko o holiday season sobrang mabenta talaga itong pizza roll,sa halagang 200 pesos maari mo ng simulan ang negosyong ito.
Simple lamang ng paggawa nito. Kakailanganin mo lamang ng tinapay,Ham or Hotdog,cheese at iba pa,irorolyo lamang ang ham sa loob ng tinapay at ilagay sa binating itlog at breadcrumbs at tsaka ilagay sa mainit na mantika at hintayin lamang hanggang maluto ito.
Makakagawa ka na ng mga 15 piraso at maibebenta ito sa halagang 10 piso kada piraso! Pasok pasok talagang pang negosyo ngayong pasko.
- Puto-Pao
Kakaiba diba? Napakapatok talaga na pagkain ngayong pasko o holiday season ang mga kakanin,isa na dito ang nadiskubre kong Puto-Pao, kakanin siya na puto na may palamang siopao sa loob nito.
Sa halagang 500 pesos pwede mo ng masimulan ang negosyong ito.maaring ibenta sa halagang 30 pesos sa kada apat na piraso nito o depende sayo kung paanong paghahati sa benta ang iyong gagawin pero tiyak na papatok talaga itong negosyo sa panahong ito.
- Mango Graham Frappe
Parang libangan na talaga ng mga pinoy ang kumain kaya isa sa aking naisip na negosyo ngayong holiday season ay itong Mango Graham Frappe. Lakas makamillenial diba? Tama ka dahil patok na patok talaga itong dessert na ito sa kabataan ngayon. Ilan lamang sa mga sangkap nito ay syempre dilaw na mangga,crushed graham at iba pa.
Sa halagang 500 pesos maaari mo ng masimulan ang negosyong ito. At siguradong papatok pa sa masa.
Article written by Glen Adora