Di maiiwasan na minsan ay wala tayong gana na makipagtalik dahil pagod sa trabaho o di kaya’y mababa ang ating sex drive.
Huwag magalala mga idol, narito ang ilan sa mga pagkain na makakatulong sa pagpapataas ng iyong sex drive.
Una na rito ay ang “Meat o karne” dahil ang meat ay may taglay na “Zinc, Carnitine and L-arginine” na nakakatulong upang maiwasan ang pagsakit ng ari o erectile dysfunction sa kalalakihan.
Nakakatulong din ang “Avocado” upang ganahan ka sa iyong pakikipagtalik. Dahil sa taglay nitong Folic Acid, nagkakaroon ng sapat na enerhiya ang iyong katawan para sa pang malakasang laban. Mayroon din itong Vitamin B6 na makikita sa avocado, na nakakatulong sa pag stabilize ng iyong hormones.
Sumunod ay ang “Nuts o Mani” na nakatutulong sa blood flow dahil ito’y merong “L-arginine”, alam niyo ba na kapag maayos ang blood flow sa iyong katawan magreresulta ito sa masayang pagtatalik.
Para sa mga mahihilig sa “Coffee o Kape”, good news dahil ayon sa isang pag-aaral, ang paginom ng kape ay nakakatulong sa pag boost ng hormone production, pag improve ng semen quality at stamina at sa pagpapataas ng “Libido” dahil nagtataglay ito ng stimulant upang ganahan sa pakikipagtalik lalo na ang mga kababaihan. Sabi nga nila, ‘healthy Libido leads to a healthy sex life’.
Article written by Roselle May Paraon