MAS MAPAPAKINABANGAN | Ipinatutupad na National Crime Information System mas magiging kapaki-pakinabang – PNP

Manila, Philippines – Mas mapapakinabangan ng publiko ang National Crime Information System at maging ang National Police Clearance System.

Ito ay matapos na maisabatas na ang Philippine Identification System Act.

Paliwanag ni PNP Spokesperson Sr. Supt. Benigno Durana maililipat na rin kasi ang mga system na ito sa National data base na mas mabilis na makukuha ng ibat ibang ahensya ng gobyerno upang mas maging epektibo ang operational potential ng National ID system.


Sinabi pa ni Durana na sa paraang ito, makakasabay ang bansa sa pamamalakad ng gobyernongamit ang mga makabagong teknolohiya.

Aniya, ang National ID system ay magbibigay ng practical applications pagdating sa census, taxation, election registration, banking, travel documentation, social security, social welfare, at iba pang transaksyon sa gobyerno.

Facebook Comments