May mga araw na di mo feel ang iyong sarili dahil ika’y malungkot o hindi maganda ang iyong gising, worry no more dahil ito ang mga ilang pagkaing nakatutulong para maka-lift up ng iyong nararamdaman, at ang sadness ay mapalitan ng happiness.
Itlog o Egg
Ang itlog ay mayroong mood-promoting omega-3 fatty acids, zinc, B vitamins, and iodide na nakatutulong maka bago ng mood, at nag bibigay ng energy para iyong magamit sa pang araw-araw na gawain.
Saging o Banana
Ang saging ay nagtataglay ng potassium na nagbibigay o nakatutulong sa nararamdaman. Nag u-uplift din ito ng iyong feelings para goodbye bad mood at bad feeling.
Manok o Chicken
Ang manok ay pagkaing pampa-happy din dahil ito’y nagtataglay ng B6, potassium, at zinc na nakakapag boost ng mood o feelings.
Avocado
Ang prutas na avocado ay good source ng mga nutrients na nagtatanggal o nagbabawas ng anxiety o pagiisip.
Kape o Coffee, ay may caffeine na ayon sa research ito ay nakapag aalis ng depression o anxiety.
Ito lamang ay ilan sa mga pagkain pampa good vibes. Iwasan rin ang stress sa umaga para di agad masira ang iyong araw. Simulan ang umaga ng may ngiti sa labi at handang suungin ang traffic sa EDSA.
Article written by Andy Canonoy