Naniniwala ang Philippine Olympic Committee (POC) na matutuloy ang 2021 Southeast Asian Games sa kabila ng epekto ng COVID-19.
Pero ayon kay POC President Abraham Tolentino, magiging limitado ang mga sports na kanilang isasagawa dahil nabawasan ang kinakailangang budget ng Vietnam na siyang host ng event dahil sa virus.
Ilan sa mga palarong posibleng tanggalin ay ang; dance sports, arnis, kickboxing at obstacle course racing na pawang nangangailangan ng physical contact.
Gaganapin ang 2021 Sea Games sa November 21 hanggang December 2 sa susunod na taon.
Facebook Comments