Pagpasa ng panukalang batas na SOGIE Equality Bill at HIV and AIDS Bill, pinamamadali ng grupo ng LGBT sa Kamara

Manila, Philippines – Hinikayat ng Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender o LGBT ang mga mambabatas na madaliin na ang pagpasa ng panukalang batas na SOGIE Equality Bill at HIV and AIDS Bill na parehong nakabinbin pa rin umano sa Kamara.

Ayon kay Ryan Thoreson ng LGBT at Human Right Watch, mahalaga na naipasa na ang naturang mga panukalang batas dahil patuloy pa rin binu-bully ang kanilang hanay sa kabila ng mayroon ng batas na Anti Bullying Law.

Paliwanag ng grupo nakababahala na umano ang ulat na umaabot na sa 27 bagong kaso ng HIV ang naitala ng Epidemology Bureau of Department of Health bawat araw sa taong 2017.


Giit ni Thoreson, panahon na upang magkaisa ang bawat Filipino at isantabi muna ang ibat ibang mga idolohiya o paniniwala dahil buhay ang nakasalalay dito at hindi biro umano ang magkasakit ng AIDS kung hindi agad ito maagapan ng gobyerno.

Facebook Comments